Patak

(Nang hapong iniwan mo ako sa gitna ng ulan…)

 

Nilabong muli ng mumunting butil ng tubig

ang matagal nang malabong paningin

Katulad nang dinulot ng pag-ibig

na bumulag sa damdamin

 

Pinigil  ang pagtulo ng luha

Habang patuloy pang nilalakbay

ang daang pinangarap lakbayin

Nang may kahawak ang kamay

 

Ngunit di kayang ikubli ng ulan

Dinaramang kalungkutan

Tulad nang nalantang dahon,

ang puno’y binitawan

 

Kailangan ko’y hindi payong

Upang ako’y may masilungan

Hiling ko sana’y mapunan

Ang puwang na sa puso’y naiwan

 

Patuloy pang pumatak ang ulan

Damdami’y patuloy pa ring nasasaktan

Kung kaya lang sanang burahin ng ulan

Pag-ibig na sa iyo’y nakalaan

 

Sana sa susunod na umiyak ang langit,

ay sumikat na ang araw sa dibdib

Sana’y di na madama ang sakit

Nang pag-ibig na di kayang maipabatid.

 

*piraso ng katotohanan,

dulot ng patak ng ulan.

Advertisements
Tagged , ,

2 thoughts on “Patak

  1. nice as always mike! brings back HS memories of you writing poems

  2. My Homepage says:

    This internet web site is my inspiration , actually superb layout and perfect topic matter. 435684

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: