Sendong

Yapos ko ang siyang tumuldok
Sa kwentong luha ang punla
Sinadya ang katimogang sulok
Sa hudyat ng pananalasa

Hindi mabilang na patak
… ng luhang mula sinapupunan
… ng dugong naghatid sa libingan
… ng buhay na naging kabayaran

Bugso ng hangin at damdamin
Tubig na kumot sa pag-idlip
Ulang kumitl sa bawat pangarapin
Bahang lumunod sa bawat panaginip

Alam kong aking idinulot
… nabaling bagwis ng mga anghel
… di maibsang sakit at kirot
… puso at kinabukasang durog

Sa puting telang bumalot sa lupa
Pulang mantsa ay naipinta
Putik ang yumakap sa kanila
Mga taong pantay na ang paa

Lilisan at mamamaalam ako
Nahugasan ang ibabaw na mundo
Pasakit at pagkitil ng buhay
Dahilan ng paghahawak-kamay

Bahaghari’t araw matatanaw pa
Sa Maylikha tanging tumingala
Ulitin pa hindi ang kasalanan
Pagtibag niyo sa alay Niyang tahanan

 

 

Advertisements
Tagged , ,

4 thoughts on “Sendong

  1. Zarah Donna S. Domingo says:

    Nakakalungkot isipin na habang abala noon ang maraming tao sa muling pagkakabuklod-buklod ng pamilya sa paparating na araw ng Pasko, daan-daang pamilya sa sulok na iyon ng ating bansa ang di na muling makakapiling pa ang kani-kanilang mga mahal sa buhay. Sa isang iglap, marami ang nagbago, ngunit sana’y hindi magtapos na lamang sa pagbabagong iyon ang lahat. Nawa’y patuloy na ang mga pagbabagong magaganap sa kanilang mga buhay sa pagsusumikap nilang bumangon at iahon ang kanilang mga sarili mula sa sakit at hirap na kanilang dinanas. Ngunit bukod pa rito, sumasang-ayon din ako sa iyo Mike na ang pagbabagong hinihingi ng pagkakataon ay hindi lamang mula sa mga biktima nito, bagkus at lalong-lalo na ang mga mismong nakasanayang gawain at nakaugat na sistemang hindi makatao, hindi makatarungan sa kalikasan, at maituturing na kalapastanganan sa biyayang handog ng Diyos sa ating lahat. Nagdudulot ng pag-asa sa bawat isa na malaman na may katulad mong nagninilay sa mga mahahalagang bahaging ito ng ating kasaysayan bilang mga Pilipino. Naniniwala ako na sa panahon ng ating kahinaan bilang tao, sa mga trahedyang tulad ng Sendong, lalo nating naaalinagan ang lakas, kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos na kailanman ay hindi tayo iiwan at mamahalin tayo magpakailanman. Magaling ang tulang ito Mike. Ipagpatuloy mo ang pagpapayabong ng iyong talento sa pagsusulat. Pagpalain ka nawa ng Poong Maykapal.

  2. mike ariel says:

    mas maganda pa ata comment mo kesa tula ko. haha. salamat. 🙂

  3. reyjhon says:

    naunahan mo ako kuya mike sa paggawa ng tula… sayang!

  4. mike ariel says:

    pwede ka pam din gumawa ng tula ah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: